Better Health Channel
betterhealth.vic.gov.au Department of Health
betterhealth.vic.gov.au Department of Health

Hika sa panahon ng bagyong may kulog at kidlat (Thunderstorm asthma - Filipino)

Alamin ang mga babala tungkol sa thunderstorm asthma, mga sintomas at paggamot. Maging handa ngayong panahon ng grass pollen (polen ng damo).

English

Ano ang thunderstorm asthma?

Sa Victoria, ang panahon ng grass pollen ay karaniwang nararanasan mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 31. Sa panahong ito, maaari mong mapansin ang pagtaas ng bilang ng mga may hika at hay fever. Dala rin ng panahon ang tsansa ng pagkakaroon ng thunderstorm asthma.

Ang thunderstorm asthma ay maaaring mangyari kapag maraming grass pollen sa hangin at sa partikular na uri ng thunderstorm. Ang mga butil ng grass pollen ay natatangay sa hangin at dinadala hanggang sa malayo. Ang ilan ay maaaring bumuka at maglabas ng maliliit na butil na naiipon sa mga bugso ng hangin na dadagsa bago ang isang thunderstorm. Ang mga butil na ito ay may sapat na liit para manuot sa baga ng tao kapag humihinga nang malalim at maaaring mabilis na magdulot ng mga sintomas ng hika, kahit na sa mga taong hindi pa dating nagkaroon ng hika.

Kapag maraming tao ang nagkakaroon ng mga sintomas ng hika sa loob ng maikling panahon sa mga kondisyong ito, ito ay itinuturing na epidemyang thunderstorm asthma.

Sino ang nasa panganib?

Kabilang sa mga taong nasa panganib na magkaroon ng thunderstorm asthma ang mga may kasalukuyan o dati nang hika, hindi natukoy na hika o hay fever sa panahon ng tagsibol. Ang panganib ay mas mataas pa para sa mga taong may hika at hay fever, lalo na kung ang kanilang hika ay hindi maayos na nakokontrol.

Protektahan ang iyong sarili ngayong panahon ng grass pollen

Mapoprotektahan mo ang iyong sarili at ang mga nasa pangangalaga mo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng hakbang na ito:

  • Subaybayan sa taya ng panahon ang epidemyang thunderstorm asthma:
  • Huwag lumabas kapag may thunderstorm, lalo na sa malakas na hangin na nauuna dito. Pumasok ka sa loob at isara ang iyong mga pinto at bintana. I-off ang anumang air conditioner system na nagdadala ng hangin mula sa labas papunta sa bahay o kotse (kabilang ang mga evaporative air conditioner).
  • Inumin ang iyong pang-iwas na gamot (preventive medication) ayon sa tagubilin.
  • Alamin kung paano pamamahalaan ang pagsumpong ng hika. Sundin ang iyong planong aksyon sa hika (asthma action plan) o gumamit ng pangunang lunas sa hika.

Hika

  • Kung ikaw ay may hika – makipag-usap sa iyong GP upang suriin ang iyong pagkontrol sa hika at asthma action plan at i-update ang plano upang matiyak na mayroon kang tamang gamot sa hika at upang suriin kung ginagamit mo ito nang tama. Tandaan na mahalagang inumin o gamitin ang asthma preventer ayon sa tagubilin. Nakakatulong ito upang maiwasan ang mga sintomas ng hika, kabilang ang thunderstorm asthma.
  • Kung nagkaroon ka na ng hika dati – kausapin ang iyong GP tungkol sa pagprotekta sa iyong sarili mula sa panganib ng thunderstorm asthma.
  • Kung ikaw ay nagkaroon ng wheezing, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, o patuloy na pag-ubo - makipag-usap sa iyong GP. Matutulungan ka niyang malaman kung mayroon kang hika at kung paano panganga siwaan ang mga sintomas na iyon.
  • Magdala lagi ng iyong reliever medication - ito ang iyong pang-emerhensiyang gamot na pangunang lunas sa hika.

Para sa banayad na mga sintomas ng hika, kausapin ang iyong GP, parmasyutiko o i-access ang iba pang mga opsyon sa pangangalaga. Kung hindi bumubuti o lumalala ang iyong kondisyon, tumawag sa 000 o pumunta sa ospital.

Hay fever

  • Kung mayroon kang hay fever sa tagsibol, kausapin ang iyong parmasyutiko o GP. Matutulungan ka nila na gumawa ng plano sa paggamot sa hay fever (hay fever treatment plan) at magmungkahi ng mga paraan para protektahan ang iyong sarili mula sa thunderstorm asthma. Kasama rito ang pag-alam kung saan ka mabilis na makakakuha ng asthma reliever puffer sakaling magkaroon ka ng thunderstorm asthma - ang mga ito ay makukuha sa mga botika nang walang reseta.
  • Kung magkakaroon ka ng mga sintomas ng hika, sundin ang mga hakbang ng pangunang lunas sa hika at siguraduhing mag-follow up ka sa iyong GP.
  • Kung nakaranas ka ng anumang sintomas ng hika sa iyong hay fever o hindi ka sigurado – magpatingin sa iyong GP. Kapag mayroon nang diyagnosis, makakakuha ka ng mabisang paggamot na magpapagaan sa iyong pakiramdam at paghinga.

Pangunang lunas sa hika

Mahalagang malaman ng lahat sa komunidad ang pangunang lunas sa hika. Ang impormasyon sa pangunang lunas sa hika ay makukuha mula sa Better Health Channel, Asthma AustraliaExternal Link at sa National Asthma Council AustraliaExternal Link .

Tumawag kaagad sa triple zero (000) kung:

  • hindi humihinga ang tao
  • ang kanilang hika ay biglang lumala o hindi bumubuti
  • ang tao ay inaatake ng hika at walang magamit na reliever medication
  • ang tao ay hindi nakakasiguro kung ito ay hika
  • ang tao ay nalalamang may anaphylaxis. Kung ito ang kaso, palaging bigyan muna ng adrenaline autoinjector, at pagkatapos ay reliever, kahit na walang mga sintomas sa balat.

Upang ma-access ang impormasyong ito sa ibang mga wika, makipag-ugnayan sa Translating and Interpreting Service (TIS National)External Link sa 131 450 (libreng tawag) at hilingin sa kanila na tawagan ang Nurse on Call.

Kung ikaw ay bingi, mahina ang pandinig, o may kapansanan sa pagsasalita/komunikasyon, makipag-ugnayan sa National Relay Service (NRS)External Link at hilingin sa kanila na tawagan ang Nurse on Call.

Content disclaimer

Content on this website is provided for information purposes only. Information about a therapy, service, product or treatment does not in any way endorse or support such therapy, service, product or treatment and is not intended to replace advice from your doctor or other registered health professional. The information and materials contained on this website are not intended to constitute a comprehensive guide concerning all aspects of the therapy, product or treatment described on the website. All users are urged to always seek advice from a registered health care professional for diagnosis and answers to their medical questions and to ascertain whether the particular therapy, service, product or treatment described on the website is suitable in their circumstances. The State of Victoria and the Department of Health shall not bear any liability for reliance by any user on the materials contained on this website.

Give feedback about this page

Reviewed on: 01-10-2025